Tuesday, March 31, 2009
SEM-ENDER PARTY (Sociology10)
Sapagkat ito na ang aking huling journal entry, naisipan kong gamitin ang ating sariling wika. Ngunit, sa unang pangungusap pa lamang, iyong mapapasin na bigo na agad ang mithiiin ng pagamit ko ng Filipino. May Ingles na agad sa unang pangungusap.
Natatandaan ko dati,
noong ako'y nasa elemenarya pa lamang
mahilig kaming magpaligsahan,
ako at ang aking mga kaibgan.
Sa aming paaralan,
isang paligsahan ang tanyag.
Paligsahan kung saan ang isip mo,
sa iba't ibang lugar naglalayag.
Gumagabay sa nasabing paligsahan,
mga simpleng patakaran lamang.
Sapat nang magsalita kayo sa pambansang wika,
derederetso na walang halong banyaga.
At para mas nakakaenganyo sa mga manlalaro,
may pustahan pa itong kasama at tinatago sa guro
Isang pingot sa tainga kapag nagbigkas ka
Ng mga katagang wala sa ABAKADA.
Hindi ko alam kung bakit halos imposibleng walang Ingles na mabibigkas sa isang araw ang isang pangkaraniwang Pinoy. Dahil ba mas 'cool' at mas sosyal kapag conyo ka magsalita o dahil ba kasali na rin ito sa tinatawag na kulturang Pinoy? Ano pa man ang dahilan, mas mahalaga kung papaano nating ito lulutasin. Pakiramdam ko ay isa sa mga dahilan ito kung bakit meron tayong mentalidad na mas maganda kapag galing sa ibang bansa. Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi umuunlad ang sarili nating bansa. Habang sinusulat ko ang 'entry' na ito. Tumunog ang 'cellphone' ko. Galing sa 8888.
'Ang iyong SULITXT subscription ay expired na...'
Yan ang una nitong linya.
Wikang ginagamit ng mga malalaking kumpanya,
Sa panahon ngayon ay TAGLISH na.
Kahit ang mga nauunang mga kumpanya sa industriya ay magkahalong Ingles at Filipino na ang gamit. Papaano pa tayo makakapagsalita ng deretsong Filipino kung ang mga nakakasalamuha natin ay Taglish din. Marahil ay makakatulong kung isusulong ng gobyerno ang isang pangangampanya upang mapalakas ang ating wika. Sabi nga nila, ang wika ang sumasalamin sa kultura. Hindi man natin kayang burahin ang Ingles ngayon, pwede naman nating palawakin ang sakop ng Filipino. Umpisahan ko, susundan mo kaya?
.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment